Natatangi ang Sahaja Meditation. Walang mga ehersisyo. Madali itong matutunan at mabilis itong gumagana. Limang hanggang sampung minuto araw-araw ng Sahaja Yoga meditation ang magdudulot ng resulta. Inaanyayahan kang dumalaw sa isang klase — palagi itong libre. Ang Sahaja ay nangangahulugang 'isinilang na kasama mo' sa Sanskrit. Kaya naman ang sahaja meditation ay palaging itinuturo nang walang bayad.
Ang Sahaja Yoga ay isang paraan ng meditasyon na nagdudulot ng malaking pagbabago sa ebolusyon ng kamalayan ng tao. Nilikha ito ni Shri Mataji Nirmala Devi noong 1970 at kumalat na mula noon sa buong mundo. Ang "Sahaja" sa Sanskrit ay nangangahulugang kusa (spontaneous) at isinilang na kasama; ang "Yoga" ay nangangahulugang pagsasanib sa Diyos.
Ang potensyal para sa espirituwal na pagpukaw at pag-akyat ay likas na taglay ng bawat tao. Ang potensyal na ito ay maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng natatanging buháy na proseso ng Sahaja Yoga. Ang natatanging diskubre na ito ay ginawa ni Shri Mataji Nirmala Devi (noong 1970). Ang proseso ng Sahaja Yoga ay kusa (spontaneous) at natural. Ito ay isang teknik upang pukawin ang Kundalini Shakti na nasa kalagayang natutulog sa ibaba ng gulugod (sacrum bone) ng bawat tao.
Ang proseso ng pagpukaw sa Kundalinig ito (Self Realization) ay isang kusa at nagbibigay-kagalakang proseso, na lubos na kabaligtaran sa malawakang maling impormasyon tungkol dito.