"Tulad ng isang bata kailangang busilak ang iyong puso upang tanggapin ang kagandahan ng kapayapaan na nasa iyong kalooban gayundin ang kagandahan ng dalisay na pagmamahal. kung di busilak ang iyong kalooban, hindi mo makakamit ang kaligayahan."
Sa nagdaang mga siglo, naabot na ng sangkatauhan ang pambihirang siyentipiko at teknolohiyang kaunlaran na siyang daan patungo sa mataas na antas ng kabuhayan at materyal na kaginhawahan. Ngunit sa kabila nito, sa halos lahat ng mga bansa, maunlad man o hindi, ang diskuntento, pagkaranas ng stress, pisikal, mental, at emosyonal na mga karamdaman ay laganap pa rin at patuloy na lumalala sa paglipas ng panahon.
Subalit
sa kasalukuyan, ang mga tao ay nagsisimula ng hanapin ang katahimikan sa
kanilang sarili kung saan makikita na ang ilan ay sumubok na ng alternatibong
istilo ng pamumuhay, pagsapi sa ilang kultong panrelihiyon, at kadalasan ay
pagkagumon sa droga. Ang katanungan na dapat nating itanong sa ating sarili
ay ganito: Ano
ba ang ating hinahanap? Ano ba ang tunay na layunin ng ating buhay? Ano ba ang
ating ninanais?
"Sa kanyang paghahanap sa kaligayahan, ang tao ay dapat na lumayo sa kanyang sarili na siyang tunay na bukal ng kapayapaan at kagalakan."