Ang
Paghahanap sa Katotohanan
Sa nagdaang mga
siglo, nakamit na ng sangkatauhan ang pambihirang siyentipiko at teknolohiyang
kaunlaran na siyang susi patungo sa mataas na antas ng kabuhayan at materyal na
kaginhawahan. Ngunit sa kabila nito, sa halos lahat ng mga bansa, maunlad man o
hindi, ang pagkadiskuntento, pagkaranas ng stress, pisikal, mental, at emosyonal
na mga karamdaman ay laganap pa rin at patuloy na lumalala sa paglipas ng
panahon.
Sa kasalukuyan, ang mga tao ay nagsisimula ng hanapin ang
katahimikan sa kanilang sarili na kung saan makikita na ang ilan ay sumubok na
ng alternatibong istilo ng pamumuhay, pagsapi sa ilang kultong panrelihiyon, at
kadalasan ay pagkagumon sa droga. Ang katanungan na dapat nating itanong sa
ating sarili ay ganito: Ano ba ang ating hinahanap? Ano ba ang tunay na layunin
ng ating buhay? Ano ba ang ating ninanais?